Wednesday, December 30, 2009
Belated Merry Christmas at Happy New Year! Desperas na ng Bagong Taon ngayon at excited na excited na ako! Sa Pasko naman, dumating si Daddy sa Singapore at nagdala siya ng Dunkin Donuts. Ang handa naman ay Hamon na turkey, spaghetti, dalandan, donuts, f&n drinks..... Sobrang sarap! Nagp[atugtog din kami ng mga pampaskong tugtugin. Ganun din sa susunood na araw! Kasama nga pala namin din si Tito Hermie kumain. 25th ng Disiyembre nag origami ako at nagawa ko yung peacock! Nakakatuwa! Nakachat nila mommy at daddy sina tita rina if I'm not wrong..... Oh well, ang handa yata namin ay Carbonara, pizza at Ice cream......
Friday, November 20, 2009
Meron kaming P1 orientation sa skul. Ang daming kyut na mga bata! Sarap gigilin. May pilipinong babae pangalan niya Jessica at umiyak siya. Nakausap ko ang mga magulang niya. Umokay naman pagkatapos. Ayaw niya nga lang ako kausapin kasi malaki daw ako. Takot. Siya si Goldilocks. Tapos meron din mga nakakainis na bata tlad ni Evil witch! Ang sama niya! Bata pa lang, marunong ng magsalita ng masam sa isang nakakatanda! Nakakainis. Partner ko si Ern Ting! Ang refreshments namin ay french fries, isang nugget at isang curry puff. May inumin din sa tetra pak na winter melon at iba pa. Inum ko winter melon. Okay naman din ang araw. Piktyuran kami ng mga prefects......Miss ko na sila!
Kahapon din yung Annual prize giving namin. Ineskorte ko yung guest of honour namin na si MR. C Kunalan. Speech was good. Everyone was proud of me! Happy naman ako...
Hi! Tagal ko nang di nag-uupdate! Graduatin day namin kahapon! Nakakatuwa at nakakalungkot din! Concert is good! Napili din ako as one of the contestants for the mr CCKPS. Kapartner ko si mariel. Di ako nanalo pero ok lang. Ok din yung performance namin. Ganda ng suot ko. Kumain kami ng bee hoon na may diced crabsticks at gulay, fishball at malaking wanton. Gusto ko sana yung may nugget at seaweed chicken! Lunch namin. Uminum din ako ng soya bean milk at winter melon tea. Umiyak yung ibang mga babae. Iyak ako sa bahay! hehe... Namimiss ko na ng CCKPS...
Tuesday, November 10, 2009
Uy! Kamusta na? Pumunta kami sa East Coast Park para magpulot ng mga kalat. Dala kami ng mommy ko ng sushi! Aga namin gumising! Mga 5 sa umaga! Ang sarap. Nagpulot na lang kami ng kalat sa may open space kasi may isang eskwelahan na nagpulot ng kalat sa beach at malinis na! Ang daming nakakatuwa na nangyari! Bumili ako ng ice cream sa isang rentahan ng bisikleta. $1 lang. yung iba ang mahal! Enjoy naman kami!
Monday, November 9, 2009
Yeah! Nanalo kami sa dabate! Natalo namin ang 6A! Ngayon, may tropeyo na naman ako! Salamat sa Diyos! Nag-rehersal din kami ngayon. Grabe! Ang galing din ng mga ibang klase! Kung tutuusin,gagaling din kami kapag nag-ensayo kami pero si Kyra ayw. Sa main team ang kanyang focus. Siguro na buwisit na sa amin dahil minsan yung iba hindi tumutulong sa kanya. Kawawa pero kailangan maging matatag at di mareklamo pagdating sa mga ganito. Ngayon na tapos na ang debate, makaka-concentrate na ako sa prefect project namin. Paano yata kami makakakuha ng $2000 sa dalawang linggo? Nagdadasal na nga lang ako...
Malapit na matapos ang pasukan! Medy nalulungkot ako kasi sa 11 araw mag-gragraduate na ako sa CCKPS at di na ako CCKPian. Minsan nga naiinggit ako sa masbata sa akin. Napakapalad nila. Ipinakilala na nga pala ng eskwelahan ang tatlo naming bagong core values. Yung Diligence ay bubuyog, yung discipline ay langgam at yung Excellence ay agila. Nakakatuwa nga eh. Sayng, sa susunod na taon, wala na ako sa CCKPS. Pero pupunta naman ako sa sota! Hay! Minsan ang sarap maging bata.....
Monday, November 2, 2009
Madalim ang kalangitan ngayon. Parang uulan. Sayang ang ganda pa naman ng panahon kanina....
Di ko alam kung anong gagawin ko... Ayo ko manood ng TV o yung mga DVD kasi lagi ko na yun ginagawa. Dito naman sa kompyuter, wala masyadong maggawa. Facebook? Nitrome? Meron pa bang magandang gawin? Ayo ko nga lang mag-linis ng bahay. Saka na yun! Marami pang oras pagdating ng holidays......
Malapit na graduation namin. Nalulungkot ako kasi after that, it's all over! Di na ko Primary Six kung hindi Sec 1. Mamimiss ko rin yung mga nakaktuwang mga alaala ko sa CCKPS at yung mga guro at kaibigan. Di ko alam kung iiyak ba ko........