Monday, October 26, 2009
Alam mo, simula ng inayos ni Xin Yi tong blog ko, lagi na akong interesado dito! Cute kasi no? Baka magpatulong pa ako o magpaturo para kapag gusto ko ipalit yung disenyo ng blog ko, magagawa ko kahit na hindi ako magpatulong.....
Ang ingay ng mga katabi kong sina Kimberly, Han Wei at Azim. Sin K at HW sinisisi si Azim. Di ko alam kung para saan. Yung nasa Kaliwa ko naman ay sina Lara at Seo Won. Kung anong mga pinaggagagawa.
At least, may buhay yung laboratorya.
Si Wen Hao sumigaw pero di ko naintindihan dahil nga maingay.
Si Kyra naman pinapanood yung SHINee-Replay. Para yata sa sayaw namin.
12.20 pm na rito sa eskwelahan. Di ko alam kung itutuloy pa namin tong kompyuter o baka bumalik kami sa klase para ipanood yung natitirang parte ng sineng MEET Dave na dinala ko. Sige Ciao na ko!
Para naring diyari ko 'to. Habang ititna-type ko yung unang sentence sabi ni Sabrina sa aking RACIST daw ako. ano siya? Mali mali lagi ang mga pag-gamit nila ng mga salitang Inggles! Baka NATIONALISTIC! Tama ba ko? Hindi ba RACIST ay isang taong inaayawan ang isang race? Ano ba yan! Bad trip na ko!
Kamusta! Ngayon nga lang ako nag-tagalog sa mga blog ko eh...
Oo nga pala! Dito ako sa eskwelahan. Dinala kami ni Mdm Phua sa Computer Lab. Ang ingay! Maraming nag-lalaro ng Cubefield sa Y8! Yung iba Facebook, iba hanap hanap ng mg litrato ng kanilang crush na artista, si Kyra nakikinig ng musika na sasayawin sa graduation Day. Hay naku! ewan na lang. Sige, go na ko!