entries links
credits links tagboard
archives me & etc
links
Friday, November 20, 2009

Meron kaming P1 orientation sa skul. Ang daming kyut na mga bata! Sarap gigilin. May pilipinong babae pangalan niya Jessica at umiyak siya. Nakausap ko ang mga magulang niya. Umokay naman pagkatapos. Ayaw niya nga lang ako kausapin kasi malaki daw ako. Takot. Siya si Goldilocks. Tapos meron din mga nakakainis na bata tlad ni Evil witch! Ang sama niya! Bata pa lang, marunong ng magsalita ng masam sa isang nakakatanda! Nakakainis. Partner ko si Ern Ting! Ang refreshments namin ay french fries, isang nugget at isang curry puff. May inumin din sa tetra pak na winter melon at iba pa. Inum ko winter melon. Okay naman din ang araw. Piktyuran kami ng mga prefects......Miss ko na sila!

posted by Jerico @ 10:44 PM


Kahapon din yung Annual prize giving namin. Ineskorte ko yung guest of honour namin na si MR. C Kunalan. Speech was good. Everyone was proud of me! Happy naman ako...

posted by Jerico @ 10:43 PM


Hi! Tagal ko nang di nag-uupdate! Graduatin day namin kahapon! Nakakatuwa at nakakalungkot din! Concert is good! Napili din ako as one of the contestants for the mr CCKPS. Kapartner ko si mariel. Di ako nanalo pero ok lang. Ok din yung performance namin. Ganda ng suot ko. Kumain kami ng bee hoon na may diced crabsticks at gulay, fishball at malaking wanton. Gusto ko sana yung may nugget at seaweed chicken! Lunch namin. Uminum din ako ng soya bean milk at winter melon tea. Umiyak yung ibang mga babae. Iyak ako sa bahay! hehe... Namimiss ko na ng CCKPS...

posted by Jerico @ 10:38 PM




Tuesday, November 10, 2009

Uy! Kamusta na? Pumunta kami sa East Coast Park para magpulot ng mga kalat. Dala kami ng mommy ko ng sushi! Aga namin gumising! Mga 5 sa umaga! Ang sarap. Nagpulot na lang kami ng kalat sa may open space kasi may isang eskwelahan na nagpulot ng kalat sa beach at malinis na! Ang daming nakakatuwa na nangyari! Bumili ako ng ice cream sa isang rentahan ng bisikleta. $1 lang. yung iba ang mahal! Enjoy naman kami!

posted by Jerico @ 11:33 PM




Monday, November 9, 2009

Yeah! Nanalo kami sa dabate! Natalo namin ang 6A! Ngayon, may tropeyo na naman ako! Salamat sa Diyos! Nag-rehersal din kami ngayon. Grabe! Ang galing din ng mga ibang klase! Kung tutuusin,gagaling din kami kapag nag-ensayo kami pero si Kyra ayw. Sa main team ang kanyang focus. Siguro na buwisit na sa amin dahil minsan yung iba hindi tumutulong sa kanya. Kawawa pero kailangan maging matatag at di mareklamo pagdating sa mga ganito. Ngayon na tapos na ang debate, makaka-concentrate na ako sa prefect project namin. Paano yata kami makakakuha ng $2000 sa dalawang linggo? Nagdadasal na nga lang ako...
Malapit na matapos ang pasukan! Medy nalulungkot ako kasi sa 11 araw mag-gragraduate na ako sa CCKPS at di na ako CCKPian. Minsan nga naiinggit ako sa masbata sa akin. Napakapalad nila. Ipinakilala na nga pala ng eskwelahan ang tatlo naming bagong core values. Yung Diligence ay bubuyog, yung discipline ay langgam at yung Excellence ay agila. Nakakatuwa nga eh. Sayng, sa susunod na taon, wala na ako sa CCKPS. Pero pupunta naman ako sa sota! Hay! Minsan ang sarap maging bata.....

posted by Jerico @ 1:32 AM




Monday, November 2, 2009

Madalim ang kalangitan ngayon. Parang uulan. Sayang ang ganda pa naman ng panahon kanina....
Di ko alam kung anong gagawin ko... Ayo ko manood ng TV o yung mga DVD kasi lagi ko na yun ginagawa. Dito naman sa kompyuter, wala masyadong maggawa. Facebook? Nitrome? Meron pa bang magandang gawin? Ayo ko nga lang mag-linis ng bahay. Saka na yun! Marami pang oras pagdating ng holidays......
Malapit na graduation namin. Nalulungkot ako kasi after that, it's all over! Di na ko Primary Six kung hindi Sec 1. Mamimiss ko rin yung mga nakaktuwang mga alaala ko sa CCKPS at yung mga guro at kaibigan. Di ko alam kung iiyak ba ko........

posted by Jerico @ 10:59 PM


Di pa kami nagpapraktis sa sayaw namin. Gusto ko na sana mag-simula ngayon pero di ko alam kung bakit di pa kami nagsisimula.....
Nag-digital art din kami ngayon.Kagrupo ko sina Jung Ho, Phyo, buwisit Dominik at buwisit Azim. Pasensiya na sa bad words, nakaka-inis lang talaga sila! Masaya naman! Tapos inupload ng teacher doon yung mga kuha namin at nung iba. Tapos naggawa kami ng mga effects. Very nice!

posted by Jerico @ 10:56 PM


Hello! Ngayon lang nag-kompyuter! Hehe..very busy kami ngayon. Kasali nga pala ako sa debate at pasok na kami sa semi-finals! Sa thursday magaganap kaya kinakabahan ako medyo! Kaarawan nga pala ni Mdm Phua sa araw na yun! Nag-paplano nga kami maghanda ng party para sa kanya. Di ko alam kung sapat yung nakolekta naming pera. Baka bukas may mag-bigay pa. Naiinas ako kina Azim at Dominik. Masama sila. Lagi sila nang-iinis!


posted by Jerico @ 10:46 PM